Higit 800,000 Filipino, nakapagparehistro na para sa National ID
Aabot na sa mahigit 800,000 mga filipino ang nakapagparehistro online para sa Step 1 ng National Identification System.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority hanggang noong May 13, umabot na sa 849,862 mga Pinoy ang nakapagparehistro na nagsimula noong April 30.
Bagamat nagkaroon ng glitches at technical error, sinabi ng PSA na naayos na ang sistema at tuluy-tuloy na ang ginagawang registration.
Nagsagawa rin ang PSA ng house to house registration kung saan umabot naman sa mahigit 34 million ang nakolektang data.
Batay sa procedures sa Step 1, kukunin ang lahat ng mga demographic information tulad ng pangalan, kasarian, kailan at saan ipinanganak, address, citizenship, marital status, phone number at email address.
Oras na mapunan ang lahat ng impormasyon ay ang schedule naman para sa biometric data ng isang aplikante para sa pagkuha ng iris scan, fingerprint at litrato ang gagawin sa mga tanggapan ng PSA.
Sa ngayon, umabot na sa 4. 6 million ang nakakumpleto ng second stage at naghihintay na lang ng kanilang National ID.
Tiniyak ng PSA na random ang generated number na nakalagay sa mga Philippine ID na magsisilbing Permanent Identification ng bawat Filipino.
Meanne Corvera