COVID-19 vaccine ng Pfizer sinimulan naring iturok sa mga Senior Citizen at person with Commorbidity sa Maynila
Sinimulan narin ng lokal na pamahalaan ng Maynila na gamitin ang COVID-19 vaccine ng Pfizer maging para sa mga senior citizen at person with commorbidity.
Matatandaang nitong nakaraang linggo ay ibinigay lamang ito sa mga medical frontliner.
Ang pagbabakuna gamit ang Pfizer vaccine ay ginagawa sa Prince Hotel.
Pero dahil marami ang nag-aabang sa brand na ito, dinagsa ang prince hotel ng mga nais magpabakuna.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nasa 900 doses ng Pfizer vaccine lamang ang nakalaan sa mga nais magpabakuna ngayong araw.
Agad namang nagtungo ang mga tauhan ng Manila Police District para maisaayos ang mahabang pila at matiyak na masusunod ang health protocol.
Para naman sa 1st dose ng Sinovac, may 18 vaccination sites na itinakda ang Manila LGU kung saan maaaring magtungo ang mga nasa A1 hanggang A3.
Para naman sa 2nd dose ng AstraZeneca vaccine gagawin ito sa Ospital ng Maynila para sa A1 hanggang A3 na naturukan ng kanilang first dose noong March 19 at 23.
Madz Moratillo