Kaso ng COVID-19 variants sa bansa, naragdagan pa
Naragdagan pa ang bilang ng mga naitalang kaso ng COVID-19 variants dito sa bansa.
Sa pinakahuling sequencing ng Philippine Genome Center, may 1 naragdag na kaso ng Indian variant sa bansa.
Ito ay isang returning Overseas Filipino mula sa United Arab Emirates at taga – Cordillera Administrative Region.
Ang nasabing pinoy ay nakarekober na at nakalabas na ng isolation facility.
Sa ngayon, umabot na sa 13 ang naitalang kaso ng Indian variant dito sa bansa.
May natukoy namang karagdagan na 104 na kaso ng UK variant sa bansa.
Ang isa rito ay ROF, 89 ang local cases, at 14 ang bineberipika pa.
Ang 5 sa mga ito ay aktibong kaso pa, nakarekober naman ang 96 na iba pa habang nasawi naman ang 3 iba pa.
Sa ngayon, umabot na sa 1,071 ang naitalang kaso ng UK variant sa bansa.
Mayroon namang 137 na bagong kaso ng South African variant ang naitala sa bansa.
Ang isa rito ay ROF, 127 ang local cases, habang 9 ang bineberipika pa.
Nakarekober naman na ang 123 sa kanila, habang 9 ang aktibong kaso pa, at 5 naman ang nasawi.
Sa kabuuan, umaabot na sa 1,246 ang mga kaso ng South African variant sa bansa.
May 4 namang naragdag na Philippine variant dito sa bansa.
Ang 3 rito ay local cases habang ang isa ay bineberipika pa.
Lahat sila ay nakarekober na.
Patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na pinakamabisa pa ring pangontra sa mga variant na ito ang pagsunod sa minimum public health standards.
Madz Villar Moratillo