Panukalang maibasura ang buwis sa mga eskwelahan suportado ng mga Senador
Umani ng suporta sa mga Senador ang panukalang itama ang maling interpretasyon para sa pagpapataw ng dagdag na buwis sa mga pribadong eskwelahan.
Naniniwala si Senator Sonny Angara na mabilis na lulusot ang panukala sa Senado matapos lagdaan at mag co- sponsor ang mga Senador sa panukala.
Isinusulong ni Angara na sa halip na patawan ng 25 percent na taxes, dapat exempted ang mga Educational institution sa corporate income tax.
Kasama sa mga lumagda para maging co-author ng panukala sina Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri, Senador Ralph Recto, Joel Villanueva, Nancy Binay, Sherwin Gatchalian, Grace Poe at Richard Gordon.
Iginiit ng mga Senador na hindi maaring pahirapan ng gobyerno ang mga eskwelahan lalot isa sila sa sector na matinding tinamaan ng pandemya.
Meanne Corvera