COVID-19 vaccine nila, higit 90% mabisa ayon sa Novavax
WASHINGTON, United States (AFP) – Inihayag ng taga gawa ng Novavax COVID-19 vaccine, na higit 90% mabisa ang kanilang bakuna maging laban sa iba’t-ibang variants ng virus, makaraan ang isang malawakang pag-aaral.
Sa isang statement ay sinabi ng kompanya na . . . “The jab demonstrated 100% protection against moderate and severe disease, 90.4% efficacy overall. The study enrolled 29,960 participants across 119 sites in the U.S. and Mexico to evaluate efficacy, safety and immunogenicity.”
Ayon sa kompanya na nakabase sa Maryland, intensiyon nitong mag-apply para sa regulatory approval sa third quarter ng 2021.
Matapos ito ay paghahandaan na nila ang produksyon ng 100 milyong doses kada buwan sa pagtatapos ng 3rd quarter, at 150 milyong doses naman kada buwan sa pagtatapos ng taon.
Sinabi ni Stanley C. Erck, presidente at chief executive ng Novavax . . . “Today, Novavax is one step closer to addresing the critical and persistent global public health need for additional COVID-19 vaccines. It continues to work with a sense of urgency to complete our regulatory submissions and deliver this vaccine, built on a well understood and proven platform, to a world that is still in great need of vaccines.”
Hindi gaya ng ibang bakuna, ang Novavax vaccine o NVX-CoV2373, ay hindi kailangang iimbak sa napakababa o napakalamig na temperatura.
Ayon sa kompanya . . . “It was stored and stable at 2 – 8 degrees celcius, allowing the use of existing vaccine supply chain channels for its distribution.”
Sa teyorya man lang, nangangahulugan na ang bakuna ay dapat na mas madaling ibiyahe at maibakuna sa mga bansang hindi gaanong maunlad ang impraktrakturang pangkalusugan.
@ Agence France-Presse