Malakanyang aminadong mataas parin ang ICU bed utilization capacity sa ilang lugar sa Metro manila
Sa kabila nang patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID 19 sa Metro Manila nananatili namang mataas ang Intensive Care Unit o ICU bed utilization capacity sa ilang lungsod sa National Capital Region o NCR plus.
Sa Laging handa public briefing sinabi ni Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega na nasa high risk parin ang ICU bed utilization capacity sa Makati, Muntinlupa at Rizal province.
Nilinaw naman ni Vega kung kabuuan ng Metro Manila ang pag-uusapan ay nasa 50 percent o low risk na ang ICU bed utilization capacity.
Ayon kay Vega nakatulong ang pagiging borderless ng Metro Manila at kalapit na mga lalawigan o NCR plus upang agad na mairefer ang mga pasyenteng nangangailangan ng intensive care na tinamaan ng COVID 19.
Inihayag ni Vega malaking tulong din ang pagdaragdag ng critical care capacity maging ang pagtatayo ng mga modular hospital sa kalakhang Maynila para matugunan ang medical needs ng mga nagpopositibo sa corona virus.
Vic Somintac