Ilang Vaccination sites sa Lungsod ng Maynila, maagang napuno dahil sa dami ng nais magpabakuna
Ipinagpatuloy ngayong araw, Linggo, June 20, ang mass vaccinatiion sa Lungsod ng Maynila.
Ang pagbabakuna ay sinimulan ng alas-6:00 ng umaga at magtatapos ng alas-8:00 ng gabi.
Pero umaga pa lamang ay nag-anunsyo na ang ilang sites na hindi na tatanggap ng mga babakunahan dahil naabot na ang target na bilang ng babakunahan.
Ito ay ang Robinsons Place, Manila, Lucky Chinatown Manila, SM Manila, at SM San Lazaro na inilaan para sa unang dose ng mga nasa A1 hanggang A5 group category.
Maliban sa mga mall sites, naglaan rin ng mga school sites para sa pagbabakuna mula District 1 hanggang District 6.
Tig-1,000 doses ng bakuna ang inilaan sa bawat sites.
Muling nagpaalala ang lungsod sa mga nagpapabakuna na sumunod sa ipinaiiral na health protocol at dalhin ang mga mahahalagang dokumento para hindi na magka-aberya sa vaccination sites.