Public viewing sa mga labi ni dating Pangulong PNoy sa ADMU, nagsimula na
Nagsimula na ang public viewing para kay dating Pangulong Benigno Noynoy Aquino sa Ateneo Gesu church sa loob ng Ateneo de Manila University.
Ang dating Pangulo ay nagtapos ng kaniyang grade school at high-school sa Ateneo at dito rin siya nagtapos ng Bachelors Degree in Economics noong 1981.
Alas-9:30 ng umaga nang dumating kaniyang abo sa unibersidad pero hindi na binigyan ng full military honors.
Ipinatanggal na ito ng pamilya Aquino batay na rin sa request ng dating Pangulo.
Simple lang anila ang nais ng dating Pangulo na gawing simple ang huling pagpupugay sa kanya.
Ang kaniyang abo ay bitbit ng isang uniformed personnel ng AFP habang ang isa pa ang may hawak ng nakatuping Bandila ng Pilipinas.
Ang kaniyang abo ay sinalubong naman ng ilang dating miyembro ng Gabinete ng Aquino Administration kabilang na sina dating BIR Commissioner Kim Henares, dating Cabinet at Secretary Rene Almendras.
Naroon rin ang kaniyang mga kaalyado sa pulitika kabilang sina Senador Franklin Drilon at dating Senador Antonio Trillanes.
Meanne Corvera