QC naglabas na ng designated safe zones para sa mga bata
Kasunod ng pagpayag ng gobyerno na palabasin na ang mga batang nasa edad 5 pataas ay nagpalabas na ang guidelines at child-friendly safe zones ang Quezon City para sa outdoor activities.
Ang mga parke, mall at iba pang outdoor activity areas ay maaaring mag-aplay sa Quezon City Parks Development and Administration Department (PDAD) at Quezon City Business Permits Licensing Department (BPLD).
Ilan sa mga pinapayagan ay mga non-contact activities ng games, sports, outdoor swimming at iba pang leisure activities at outdoor dining.
Kailangan ding may kasamang nakatatanda, magulang o guardian ang mga bata kung lalabas at dapat panatilihin ang pagsunod sa minimum health protocol.
Ilan naman sa mga designated safe zones na maaaring puntahan ng mga bata ay ang mga sumusunod: