Aabot umano sa 3 libong cyber attack ang naitala sa Pilipinas mula lamang nitong Enero hanggang Agosto ng taong ito.
Sa kapihan sa Manila Bay News Forum, sinabi ni Art Samaniego, co-founder ng scam watch Pilipinas, na hindi pa iyan ang totoong bilang dahil maraming biktima ng scam ang hindi naman nagrereport.
Ang Philippine National Police – Anti Cybercrime Division, hinikayat naman ang publiko na huwag magsawang magreport ng mga insidente ng online scam.
Ayon kay PNP – ACG spokesperson Captain Michelle Sabino, para mas mapadali ang proseso ng pagsusumbong ng publiko..sa bawat istasyon ng pulisya maglalagay na rin aniya sila ng cybercrime desk.
Nagbigay naman ng ilang tips ang mga eksperto para hindi mabiktima ng online scam.
“Dapat magdamot tayo.. pangalawa mang-isnab pag meron sa’yo online na mag offer ng trabaho gaya halimbawa 3 libo ang isang oras isnabin mo yan, magduda ka, be skeptical sa mga offer at magsumbong wag basta lang ah scam to papabayaan mo. Kapag hindi ka nagsumbong kakilala mo naman sunod na mabibiktima.
Binalaan rin niya ang publiko na mag-ingat sa paggamit ng public wifi, at huwag gagawa ng anumang financial transcation kapag nakakonek rito dahil may panganib na makuha ang mahalagang impormasyon.
Madelyn Moratillo