Abdominal Obesity, iniuugnay sa pagkakaroon ng Cardiovascular Diseases
Mahalagang senyales ang paglaki ng tiyan o pagkakaroon ng labis na taba sa tiyan, mapababae man o mapalalaki, upang bantayan ang kanilang puso.
Ayon kay Dr. Benjamin Quito, Cardiologist, Cardiac, Rehab/Hypertension Specialist, karamihan sa mga lalaking hypertensive ay malalaki ang tiyan o tinatawag na abdominal obesity o mga taba sa tiyan.
Aniya, sa mga pag aaral, mataas ang posibilidad na dapuan ng cardiovascular disease ang mga pinoy na may abdominal fats at posibleng tumaas din ang panganib ng atake sa puso, stroke at gayundin maaaring dapuan ng Covid-19.
Ito ay dahil sa kapag napabayaan ang taba sa tiyan maaari itong maging imbakan ng virus na papasok sa taba ng tiyan at maaaring kumalat.
Samantala, binigyang-diin naman ni Dr. Rhodette Arevalo, isa ring Cardiologist at President ng PHA Eastern Visayas chapter, na mapalalaki o mapababae man lalo na kapag nag-asawa na ay makikita ang pagtaas ng timbang at paglaki ng tiyan.
Belle Surara