ABIG Pangasinan, isinagawa sa bayan ng Tayug
Matagumpay na naisagawa ng provincial government ang ABIG Pangasinan, sa bayan ng Tayug.
Ang ABIG Pangasinan, ay programang pamahalaang panglalawigan upang makatulong sa mga Pangasinense, laluna ngayong panahon ng pandemya.
Binili ng mga manininda ang lahat ng gulay, karne ng baboy at itlog para dalhin sa mga hospital sa lalawigan.
Nagkaroon din ng pamimigay ng mga kagamitang pansaka, seedlings at tilapia fingerlings sa 23 asosasyon.
Ang ABIG Pangasinan ay patuloy na magtutungo sa ibat-ibang bayan sa Pangasinan, para maghatid ng serbisyo sa kanilang mga kababayan.
Ulat ni Juvy Barraca
Please follow and like us: