Abogado na naglustay ng pera ng kliyente para gamitin sa sinasabing senatorial campaign noon ni Leila De Lima, pinatawan ng disbarment ng SC

0
Abogado na naglustay ng pera ng kliyente para gamitin sa sinasabing senatorial campaign noon ni Leila De Lima, pinatawan ng disbarment ng SC

Tinanggalan ng Supreme Court ng lisensya ang abogado na naglustay sa pera ng mga kliyente para gamitin sa sinasabing senatorial campaign noon ni Leila de Lima.

Sa per curiam decision ng Korte Suprema, pinatawan ng parusang disbarment si Atty. Demosthenes S. Tecson, dahil sa paglustay sa halos P70 milyong piso na pera ng kaniyang mga kliyente.

Si Tecson ay kinuhang abogado ng petitioners para sa isang expropriation case, kung saan pinaboran ang mga ito ng korte at ginawaran ng P134 million.

Ayon sa SC, personal na tinanggap ni Tecson ang pondo kung saan P53 million lang ang ibinigay nito sa kaniyang mga kliyente, at ang nalalabing P67 million ay itinabi nito para sa kaniya bilang attorney’s fees at para sa umano’y senatorial campaign ni De Lima.

Ipinaliwanag ni Tecson na ginamit ang nalalabing pondo para ipambayad sa “PR man,” upang mapabilis ang pagbayad ng kompensasyon at may basbas ng mga kliyente.

Sinabi ng SC na walang ebidensya ang paliwanag ni Tecson sa pinuntahan ng pondo, pero kung ito man ay totoo ito ay panunuhol.

Wala namang ibinigay na ibang impormasyon ang SC ukol sa paggamit ng pondo sa pangangampanya ni De Lima.

Sinabi ni SC Spokesperson Atty. Camille Ting, “Atty. Tecson had received for his client PHP 134 million in just compensation for an expropriation case but only remitted PHP 53 million, keeping the rest as his attorney’s fees and for the alleged senatorial campaign of former Justice Secretary Leila de Lima.”

Dagdag pa niya, “The SC held that Atty. Tecson misappropriated his clients’ money when he failedto remit the full amount despite demand. His claim that the money was used to pay a “PR man” to expedite the case was not proven and also constitutes bribery, which violates a lawyer’s duty to observe the law.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *