Abogado sinuspinde ng Korte Suprema dahil sa iligal na pagno-notaryo
Pinatawan ng Korte Suprema ng dalawang taong suspensyon ang isang abogado dahil sa iligal na pagnonotaryo.
Sa walong pahinang desisyon na isinulat ni SC Associate Justice Diosdado Peralta, sinabi na lumabag sa Lawyer’s Oath at sa Code of Professional Responsibility si Atty. Nelly E. Abao dahil sa pagnonotaryo sa Dao, Capiz kahit walang valid notarial commission.
Bukod sa pagsuspinde, permanente ring pinagbawalan ng Supreme Court si Abao para maging notary public.
Nabatid ng Korte Suprema na nag-notaryo si Abao noong 1995 ng deed of sale sa Dao, Capiz kahit alam na hindi siya kinomisyon bilang notary public sa Roxas City, Capiz para sa nasabing taon at walang notarial files on record.
Ulat ni Moira Encina