ABS-CBN, nag-sorry kay Pangulong Duterte

Wala umanong nilabag na batas at regular na nagbabayad ng buwis ang TV network na ABS-CBN.

Ito ang tiniyak ng mga kinatawan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Securities and Exchange Commission sa pagdinig ng Senado.

Ayon kay Simplicio Cabantac Jr., hepe ng Large Taxpayers Service ng BIR, ang kumpanya ay regular na nagbabayad ng buwis.

Nakapagbayad na aniya ang kumpanya ng 14. 398 billion mula 2016 hanggang 2019 bukod pa sa buwis na ibinabayad ng kanilang mga artista at mga talents.

Sabi rin ni SEC Commissioner Ephyro Luis Amatong, wala silang nakitang anumang paglabag ng kumpanya.

Samantala, humingi na ng paumanhin si ABS-CBN President Carlo Katigbak kay Pangulong Duterte sa hindi nila pag-eere ng mahigit seven million na halaga ng kaniyang Political Ads noong 2016 elections.

Ang hindi  pag-eere ng kaniyang campaign ads ang isa sa dahilan ng pagbatikos ng Pangulo.

Pero paglilinaw ni Katigbak, umaabot sa 182 million ang ibinigay na commercial spots ng Pangulo  kung saan 117 dito ay para sa National ads habang 65 million sa kanilang local stations.

Ibinigay umano ito mula may 3 hanggang 7 o huling linggo na ng kampanya pero ang patakaran umano nila ay first come first serve kaya may mga advertisement na hindi na umere kasama na ang ads ng Pangulo.

“We are sorry if we offended the President. That was not the intention of the network. we felt that we were just abiding by regulations that surround the airing of political ads”. – Carlo Katigbak, ABS-CBN President

Ulat ni Meanne Corvera


Please follow and like us: