Active cases ng COVID-19 sa mga health worker bumaba na
Bumaba na ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa hanay ng mga medical frontliner sa bansa.
Sa datos ng Department of Health, hanggang nitong September 28, may 357 na lamang ang active cases ng Covid-19 sa hanay ng mga health worker.
Ang 200 rito ay mild, 106 ay asymptomatic, 21 ang nasa moderate condition, 21 na severe at 9 na kritikal.
Sa kabuuan, umabot na sa 25,450 health workers sa bansa ang tinamaan ng Covid-19.
Pinakamarami sa mga ito ay mga nurse, sinundan ng mga doktor at nursing assistant.
Pero ang 24,988 sa kanila, nakarekober mula sa sakit.
Hindi narin nadagdagan ang 105 na bilang ng nasawi.
Madz Moratillo