Active cases sa San Jose Del Monte sa Bulacan umabot na sa 925
Umabot na sa 925 ang active cases sa San Jose Del Monte, Bulacan matapos makapagtala ng pitompumg panibagong kumpirmadong mga kaso.
Ayon sa public information office ng lungsod, ang mga bagong kumpirmadong kaso ay mula sa mga sumusunod na barangay.
Baranggay Muzon, Graceville,San Manuel, Sto. Cristo, Poblacion, Kaypian, Gaya-gaya, Tungkong Mangga, San Martin de Pores, Francisco Homes-Mulawin, Poblacion 1, Lawang Pari, Minuyan IV, San Pedro, San Rafaeil IV, Sta. Cruz III, Citrus, Fatima I, Bagong Buhay III, San Martin IV, Francisco Hones-Narra, San Martin I, San Rafael II, Maharlika, Bagong Buhay I, Fransico Hones-Yakal, Fatima V, Kaybanban, Sta.Cruz I, at Sta. Cruz IV.
Umakyat na sa 3,872 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa lungsod simula noong nagsimula ang pandemya.
Tatlongput limang recoveries naman ang naragdag, kayat sa kabuuan ay nasa 2,771 na ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa lungsod.
Dalawa naman ang naragdag sa mga nasawi, at sila ay mula sa barangay San Pedro at Muzon. Sa kabuuan ay 176 na ang bilang ng COVID-19 Deaths.
Tatlong Barangay na lamang ang nabibilang sa mga barangay na walang naitalang active cases, dalawa rito ay mula sa District 1 at isa naman sa District 2.
Ulat ni Gilian Elpa