Ad interim appointment ng 3 Cabinet Secretaries at mga Opisyal ng militar lumusot na sa Commission on Appointments

 

Sa huling araw ng sesyon, Inaprubahan na ng Commission on Appointments ang Ad Interim appointment ng tatlong miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Walang tumutol nang isalang sa plenaryo ang confirmation nina Justice Secretary Menardo Gueverra, Department of Agrarian Reform o DAR Secretary John Castriciones at Tourism Secretary Bernadette Puyat.

Lumusot rin ang kumpirmasyon nina Comelec Commissioner Socorro Inting, at dalawang embahador na sina Sulpicio Confiado ng Egypt at Akmad Sakkam, embahador sa Jordan.

Inaprubahan rin ng C-A ang promotions nina Armed Forces chief General Carlito Galvez Jr. At apat na opisyal ng Sandatahang lakas.

Si Galvez ang pumalit kay dating AFP chief of staff na nagretiro na noong Disyembre.

Kasama sa mga na promote sina Brigadier General Rolando Rodil
Brigadier General Joselito Maclan, Reserve Brigadier General Nelson Collantes at Colonel Emmanuel Mahipus.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *