Ad interim appointment ni Health Secretary Paulyn Ubial, ni reject ng Commission on Appointments
Ibinasura ng Commission on Appointment ang ad interim appointment ni Dr. Paulyn Jean Ubial bilang kalihim ng Department of Health.
Hindi naabot ni Ubial ang labintatlong kinakailangang boto para makalusot sa makapangyarihang komisyon.
Nauna nang naghain ng oposisyon ang apat na grupo laban kay Ubial dahil sa umanoy pag-abuso sa kapangyarihan at pakikiaalam sa
management ng Philhealth.
Bago isalang sa deliberasyon sa plenaryo, nagisa pa si Ubial dahil sa pagsisinungaling.
Lumutang din sa pagdinig ng CA ang isa sa mga dating opisyal ng Philhealth na pinatalsik ni Ubial, para ireklamo ang umanoy pagsisinungaling at mga iregularidad na kinasasangkutan ni Ubial
Hindi umano sya nagresign kundi isa sa mga sinibak at pinatalsik ni Ubial.
Pero sagot ni Ubial, desisyon ng buong board ang pagsibak dahil nawala na ang trust and confidence sa mga ito.
Ayon kay Senador Gringo Honasan, chairman ng CA committee, naging patas naman sila at ibinase ang desisyon sa mga natanggap na mga impormasyon at mga dokumento.
Si Ubial ang panglima sa mga miyembro ng gabinete na reject ng CA.
Ulat ni Meanne Corvera