Adbokasiya ng Philipine Heart Association na Fifty Two One Hundred lalong pinalalakas
Lalo pang pinaigting ng Philippine Heart Association o PHA ang kampanya o adbokasiya nila upang mapanatili na malusog ang puso lalo na ngayong nararanasan pa rin ang pandemya na dulot ng COVID- 19.
Sa panayam kay Dr. Raul Lapitan, Cardiologist at Past President ng PHA, sinabi niya na lalo pa nilang pinalalakas ang kampanya at adbokasiya na FIFTY TWO ONE HUNDRED.
Ito ay pagkain ng limang servings ng gulay at prutas kada araw, paglimita sa dalawang oras na paggamit ng gadget at kung hindi naman maiiwasan dahil sa trabaho, ay magkaroon ng break tumayo at maglakad lakad o mag inat inat.
Isang oras naman ng pag exercise, ang Zero naman ay Zero Smoking at Zero to Sugary Beverages.
Ugaliin ang pag-inom ng tubig upang maging hydrated.
Magkaroon ng sapat na pahinga.
Iwasan ang stress at sanayin ang sarili sa pagngiti.
Belle Surara