Aerial survey ni Pangulong Duterte sa mga lugar na sinalanta ng Habagat, kinansela ng Malakanyang
Hindi na matutuloy ang isasagawang aerial survey ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lugar na sinalanta ng pagbaha dulot ng Habagat dahil sa patuloy na masamang lagay ng panahon.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na patuloy namang nakamonitor ang Pangulo sa sitwasyon ng mga binahang lugar.
Ayon kay Roque mayroong standing order ang Pangulo sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na ibigay ang mga kinakailangang tulong sa mga biktima ng kalamidad.
Kkaugnay nito patuloy na pinag-iingat ang mga residente na sakop ng habagat at manatiling sumunod sa mga abiso para makaligtas sa anumang kapahamakan.
Ulat ni Vic Somintac