Afghan media pages na kontrolado ng Taliban inalis ng Facebook
Kinumpirma ng Facebook na inalis na nila ang account ng hindi bababa sa dalawang state-owned media outlets sa Afghanistan, sa pagsasabing sumusunod lamang ito sa batas sa Estados Unidos kung saan nasa talaan nito ng “terrorist organisation” ang Taliban.
Maluwag na nagamit ng Taliban ang Facebook at Twitter mula nang makuha ang kapangyarihan noong Agosto ng nakalipas na taon, since seizing power in August last year, at mahigpit na hinawakan ang state-owned media sa bansa – kabilang na ang mga istasyon ng radyo , telebisyon at mga pahayagan.
Bagama’t ang Meta na parent ng Facebook ay hindi naglista ng banned media outlest, kapwa sinabi ng state broadcaster National Radio Television Afghanistan (RTA) at ng government-owned Bakhtar news agency na sila naka-block na.
Tila hindi naman naapektuhan ang Facebook pages ng privately owned media houses.
Ayon sa isang tagapagsalita ng Meta . . . “The Taliban is sanctioned as a terrorist organisation under U.S. law and they are banned from using our services. We remove accounts maintained by or on behalf of the Taliban and prohibit praise, support, and representation of them.”
Kinondena naman ng tagapagsalita ng gobyerno na si Zabihullah Mujahid ang ginawang pag-block at sinabing . . . “impatience and intolerance by the US firm. The slogan ‘Freedom of expression’ is used to deceive other nations.”
Sa isang video statement ay sinabi ni RTA director Ahmadullah Wasiq na ang Pashto at Dari-language pages ng organisasyon sa Facebook at Instagram ay isinara sa “hindi malamang dahilan.”
Aniya . . . “RTA is a national institution — the voice of the nation.”
Hinimok din ni Bakhtar ang Facebook na ikonsidera ito, kung saan nakasaad sa kaniyang tweet . . . “The only goal of this news agency is to share accurate, timely and comprehensive information to its audiences.”
Noong Huwebes ay nag-trending sa Twitter ang hashtag “#BanTaliban” kung saan libu-libong users ang nanawagan para i-block ang Taliban accounts sa nasabing platform.
Masaganang nagamit ng Taliban ang Twitter simula nang maagaw nilang muli ang kapangyarihan.
Bagama’t ang karamihan sa mga account na naka-link sa dating Western-backed government ay natulog na mula noong takeover, ang mga bagong “opisyal” na account ay dumami — bagama’t wala ni isa sa mga ito ang nagtataglay ng ‘blue tick of authenticity’ ng Twitter o hindi tunay.
© Agence France-Presse