AFP, pinakilos ang kanilang mga unit para sa relief missions sa mga lugar na tinamaan ng bagyong ‘Odette’
Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na nagsasagawa na ng disaster response operations ang kanilang units sa mga lugar na lubhang sinalanta ng bagyong Odette.
Sinabi ni AFP spokesperson, Army Col. Ramon Zagala, na ito ay sa pakikipag-ugnayan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon kay Zagala . . . “In close coordination with the NDRRMC, our disaster response operations are ongoing in areas that were and will be affected by Typhoon Odette. These include emergency preemptive evacuations, search and rescue, clearing, and transport assistance for the delivery of relief goods.”
Dahil ang AFP ang pangunahing ahensiya para sa search, rescue, at retrieval cluster ng NDRRMC, sinabi ni Zagala na pinakilos na ang mga unit mula sa regional commands hanggang sa battalion level para matiyak na mas malawak ang mararating ng operasyon.
Aniya . . . “Air and naval assets are also on call and ready for deployment to support the national and local disaster risk reduction and management councils and other response clusters. Other units that are not in the typhoon’s path are also on standby to provide support when necessary.”
Sa isang briefing, sinabi ni NDRRMC operations center chief, Joe-mar Perez, na ipinahihiwatig sa inisyal na mga ulat na ang Western Visayas ay may 5,864 apektadong pamilya o nasa 17,238 katao.
Dagdag pa niya, wala pa silang natatanggap na ulat ng casualty, kung mayroon man, para sa rehiyon kahit na ang Western Visayas ay nagtala ng power interruptions sa Negros Occidental, Guimaras, bahagi ng Antique, at ilang bahagi ng Capiz, Aklan, at Iloilo.
Samantala, ongoing pa rin ang isinasagawang assessment sa mga apektadong pamilya sa Central Visayas.
May napaulat din na power interruptions sa Bohol, Cebu, at Negros Oriental, gayundin ang communication/signal interruption sa Cebu habang ang Mactan Airport ay namamalaging non-operational.
Sa Eastern Visayas, ang mga apektadong pamilya ay 5,275 o 20,103 indibidwal. Nakapag-ulat din ng power interruptions sa Southern Leyte at ilang bahagi ng Leyte at Biliran.
Bukod dito, may naitala ring communication/signals interruptions sa Southern Leyte. Sa Caraga, ang mga naapektuhang pamilya ay 104 o 235 katao.
Nakaranas din ng power interruptions ang Dinagat Islands, Siargao, Surigao Del Norte at bahagi ng Surigao Del Sur.
Bina-validate naman ni Perez ang mga napaulat na may isang namatay at daawang nasaktan sa San Fernando, Bukidnon.
Meanwhile, the number of families preemptively evacuated was placed at 83,026 which is equivalent to 332,855 persons residing in Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, and the Caraga.
Samantala, sinabi ni Office of Civil Defense deputy administrator for operations, Assistant Secretary Casiano Monilla, na ang hindi opisyal na ulat ng pinsala dahil kay “Odette” ay tila hindi ganoon kalaki.
Aniya . . . “As to the damages naman unofficially ang report naman sa region(s) is hindi sya ganun ka-massive ano, even casualties, sabi ko nga wala kaming nare-receive na unofficially na maraming casualties for this Typhoon Odette, yung pananalasa ni Typhoon Odette. Yun lang siguro masasabi ko sa ngayon.”