Aftershocks naramdaman sa Crete, makalipas ang nangyaring lindol
Niyanig ng aftershocks ngayong araw ang Crete, pinakamalaking isla sa Greece, isang araw makaraan ang naganap na lindol na ikinasira ng daan-daang mga gusali, naging sanhi para mawalan ng tahanan ang marami at ikinasawi rin ng isang tao.
Ayon sa Athens observatory, ang pinakamalakas ay may sukat na 5.3 magnitude na tumama bandang alas-7:48 ng umaga (oras doon).
Naghahanda namang bisitahin ni Prime Minister Kyriakos Mitsotakis ang Crete na kaniyang home island, nang maganap ang aftershock.
Lumitaw sa preliminary inspection, na aabot sa libo ang napinsalang mga gusali sa nangyaring lindol kahapon (Lunes), na ang lalim ay 10 kilometro lamang.
Ang sentro ng lindol ay malapit sa agricultural town ng Arkalochori, kung saan isang lalaki ang namatay habang nasa loob ng gumuhong simbahan, at halos isang dosenang iba pa ang nasaktan.
Ayon kay Arkalochori community head Chryssoula Kegeroglou . . . “It was a very difficult night, we had many aftershocks…we were awake all night.”
Nagtayo naman ng tents ang mga awtoridad para sa daan-daang katao na hindi makabalik sa kanilang tahanan dahil hindi pa ligtas para sila ay bumalik.
Ipinagamit na rin maging ang hotel rooms.
Sinabi ni Kegoroglou, na nasa isang libong katao ang nagpalipas ng gabi sa mga tent.
Ang Greece ay nasa lugar kung saan may fault lines, at paulit-ulit na tinatamaan ng mga paglindol.
Ang huling pinakamatinding lindol na tumama sa bansa ay noong Marso 3, sa central town ng Ellasona, na ikinasawi ng isang tao, ikinasugat ng 10 at nagdulot ng major damage.