Age segmentation, ipatutupad sa pagbabakuna sa mga nasa A4 Priority group
Target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 28 milyong Filipino na nasa A4 category mula Hunyo hanggang Nobyembre.
Kasabay nito, sinabi ni National Task Force Special Adviser Dr. Ted Herbosa na ipatutupad nila ang segmentation o ipaprayoridad muna ang mga nasa edad 40 – 50 anyos.
Paliwanag ni Herbosa, ang mga nasabing edad kasi kalimitan ay mayroong comorbidity o may chance na lumala ang kanilang sakit sakaling dapuan ng Covid-19.
Habang ang mga mas bata pa ang edad ay malaki ang tsansa ng recoveries kaya maaari pa silang makapaghintay ng bakuna basta’t sumunod lamang sa mga ipinaiiral na minimum health protocol.
Ngunit sakali aniyang steady na ang suplay ng bakuna sa bansa ay maaari nang hindi na sundin ang age segmentation.