Agri sector dapat ding iprayoridad ng gobyerno sa pagbabakuna
Umapela ngayon sa gobyerno ang Pork Producers of the Philippines na isali din ang mga nasa Agricultural sector sa priority list ng mga mabakunahan gaya ng mga magsasaka, mangingisda at nagtitinda sa mga palengke .
Sa programa ng Radyo Agila ay sinabi ni Mr. Nick Briones, Vice President ng Pork Producers of the Philippines na pagkain ang hina-handle ng nasa agri sector kaya dapat isa sa inuuna na mabakunahan.
Nakikiusap si Briones sa economic managers ng pamahalaan na ikunsidera na mabakunahan rin kaagad ang mga mangigingisda at magsasaka bilang economic frontliners.
Samantala, sa isyu ng African Swine Fever, sinabi ni Briones na kung may bakuna man na dinedevelop sa Amerika ay hindi pa rin tested ito dahil walang ASF sa U.S.
Kung kaya , malabo pang maging commercially available sa mga magbababoy sa panahong ito .
Julie Fernando