AI- enabled research technology, idini-develop para sa e-library ng hudikatura
Upang maging mas madali at mas mabilis ang legal research sa judiciary e-library, gagamit ang Korte Suprema ng artificial intelligence o AI- enabled technology.
Sinabi ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na mag-iinstall ng search engine sa e-library na gumagamit ng natural language-processing na parehong teknolohiya sa likod ng ChatGPT.
Sa ganitong paraan aniya ay magkakaroon ng mas tama at reliable na resulta at gamit ang machine learning ay patuloy ang self-improvement ng search algorithms batay sa feedback ng users.
Ayon sa punong mahistrado, kailangan na ma-maximize ang teknolohiya upang mapagbuti ang proseso ng legal research.
Sa mga miyembro ng legal community sa Dumaguete City ay ipinirisinta ni Gesmundo ang video kung papaano gagana ang AI-enabled legal research.
Sa video ay may limang tanong na isinumite sa AI platform na E-Library Data Assistant kung saan sa bawat tanong ay nakatugon agad ito sa loob ng 30 segundo.
Sa ngayon ay dini-develop na aniya ang panukalang AI-enabled research tool.
Ito ay isa sa mga proyekto sa ilalim ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027 para sa reporma sa hudikatura.
Moira Encina