Aid groups nanawagang ihinto na ang “man-made” famine sa Sudan
Nagbabala ang aid groups na ang “man-made famine” ng Sudan ay maaaring mas masahol pa kaysa sa kinatatakutan.
Ayon sa isang pag-aaral na sinusuportahan ng UN, 755,000 katao ang nasa bingit ng kagutuman sa Sudan, isang bilang na hindi pa nangyari mula noong 1980s nang ang taggutom sa Ethiopia ay bumigla sa mundo.
Sinabi ni Barrett Alexander, direktor ng mga programa sa Sudan para sa Mercy Corps, “Even that figure could be an underestimate as the conflict has displaced farmers in the country’s agricultural areas, raising fears for the next harvest.”
Kaugnay naman ng projection ng Integrated Food Security Phase Classification iniative o IPC ay sinabi niya, “Honestly, I wouldn’t be surprised if it were a little bit higher than that number.”
Dagdag pa ni Alexander na naka-base sa Port Sudan, “We’re seeing a man-made likely famine happen in front of our eyes that’s primarily conflict-induced.”
Ayon sa IPC, “Nearly 26 million people, half of Sudan’s population were facing acute food insecurity with the 755,000 in catastrophic conditions, including around the capital Khartoum and Darfur, the scene of a scorched-earth military campaign two decades ago.”
Sumiklab ang labanan noong Abril 2023 sa pagitan ng army at ng paramilitary na Rapid Support Forces, matapos mabigo ang planong pagsamahin ang mga ito, kung saan pinag-aagawan ng naglalabanang mga heneral ang teritoryo.
Sinabi ni Alexander, “Both sides have imposed cumbersome levels of bureaucracy, including requiring permits of aid workers. Getting across the frontlines is nearly impossible.”
Emaciated cows graze on fresh grass after the late arrival of the first rains in Sudan’s Nuba Mountains on June 18, 2024 / GUY PETERSON / AFP/File
Ayon kay Eatizaz Yousif, Sudan country director para sa International Rescue Committee, may mga tao nang kumakain ng damo sa estado ng South Kordofan.
Ani Yousif na sa kasalukuyan ay nasa Washington, “Definitely we will be seeing very soon people dying from a lack of food in different parts of the country. The belligerents have looted food warehouses and harassed or killed humanitarian workers.”
Aniya, “It’s definitely a man-made hunger crisis because we don’t have a problem with the level of grain at this time.”
Hangad ng Estados Unidos na bumalik sa negotiating table ang naglalabanang panig subalit tila walang interes ang mga ito, kung saan sinabi ng mga diplomat na naniniwala kasi ang magkabilang panig na maipapanalo nila ang digmaan.
Giit ni Samantha Power, pinuno ng US Agency for International Development, “The two sides ‘must negotiate an immediate ceasefire’ to facilitate predictable and sustained humanitarian access to all Sudanese and remain at the negotiating table to end this conflict.”
Nadaragdagan naman ang pagkakasangkot ng regional players sa Sudan, kung saan ang United Arab Emirates ay inaakusahang nagbibigay ng suportang militar sa Rapid Support Forces, na ang mga mandirigma ay tumulong sa mayayamang gulf country sa Yemen.
Maging ang paramilitaries ay tumatanggap din umano ng suporta mula sa Wagner mercenaries ng Russia, habang ang Egypt, Turkey at napaulat na pati ang Iran, ay sumusuporta naman sa army.
Dahil sa maraming nangyayaring hidwaan sa mundo, nagbigay lamang ang mga donor ng 17 percent ng $2.7 bilyon na hinihiling ng United Nations upang tulungan ang Sudan.
Ayon kay Yousif, “Compare Sudan with crises like Gaza and Ukraine, maybe they are more important in the geopolitical arena. If you see the number of displaced and the number of humans suffering, Sudan should be on the top of humanitarian attention.”