Airstrikes sa Yemen, kinondena ng UN secretary-general

Kinondena ni UN Secretary-General Antonio Guterres ang airstrikes ng Saudi-led coalition sa Yemen, na nag-iwan ng hindi bababa sa 70 patay sa isang piitan at sanhi ng pagkaputol ng telekomunikasyon.

Ayon sa isang aid group, tinuligsa ni Guterres ang pag-atake sa piitan sa Huthi territory sa Saada at pag-atake sa isang telecommunucations facility na ikinasawi ng hindi bababa sa tatlong bata, sa port city ng Hodeida.

Sinabi ni Guterres na ang pag-atake ang naging dahilan para matumba ang mahahalagang internet services sa bansa.

Kinondena rin nya ang ginawang pag-atake ng Huthi rebels sa Abu Dhabi na ikinasawi ng tatlong tao.

Ipinaalala ng opisyal sa lahat ng partido, na ang mga pag-atake sa mga sibilyan at civilian infrastructure ay ipinagbabawal ng international humanitarian law.

Pinaalalahan din niya ang lahat ng partido sa kanilang mga obligasyon sa ilalim ng international humanitarian law na tiyakin na ang mga sibilyan ay protektado laban sa mga bumabangong panganib mula sa military operations, alinsunod sa mga prinsipyo ng proportionality, distinction at precaution.

Please follow and like us: