Aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, bumaba na sa mahigit 20,000
Nasa mahigit 20,000 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.
Mula sa mahigit 22,600 noong nakaraang Lunes, May 17 ay bumaba na ang active cases sa rehiyon sa 20,871 nitong May 23.
Sa tala ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, nadagdagan ng 520 bagong COVID recoveries ang Region IV-A.
Dahil dito, aabot na sa mahigit 131,300 ang gumaling mula sa sakit sa CALABARZON.
Nakapagtala naman ng 381 panibagong kumpirmadong kaso ng COVID kaya sa kabuuan ay 156,572 ang nahawahan ng virus sa rehiyon.
Patuloy ang paalala ng DOH CALABARZON sa publiko na sundin ang minimum health protocols upang maiwasan ang pagkahawa sa sakit.
Moira Encina