Aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, halos 12,000 na
Aabot na sa halos 12,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.
Sa pinakahuling tala ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, nadagdagan ng 798 bagong kaso ng virus ang rehiyon sa huling araw ng Marso.
Dahil dito, kabuuang 11,907 na ang active cases ng sakit sa Region IV-A.
May bagong recoveries naman na 386 kaya mahigit 78,000 na ang mga pasyenteng gumaling.
Nasa 2,500 na ang namatay sa rehiyon dahil sa COVID matapos makapagtala ng panibagong 16.
Ang Cavite pa rin ang may pinakamaraming active cases na 4,145.
Pangalawa, ang Rizal na 2,959 aktibong kaso, at sumunod ang Laguna na 2,176.
Ang tatlong probinsya ay kabilang sa mga lugar na isinailalim sa ECQ hanggang April 4.
Moira Encina