Aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, nasa 900 na lang; mahigit 1M katao nabakunahan sa Nat’l Vaxx Days sa rehiyon
Bumaba na lamang sa 953 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.
Sa datos ng Center for Health Development ng DOH CALABARZON, siyam lang ang naitalang bagong kaso ng sakit habang may bagong recoveries na 46 at dalawa na pumanaw sa rehiyon.
Samantala, kabuuang 1,028,356 doses ng Covid vaccines ang naiturok sa tatlong araw na National Vaccination Days sa rehiyon.
Ang nasabing bilang ay lagpas pa sa vaccination target ng Region IV-A na 1,020,000.
May ikalawang round pa ng Bayanihan, Bakunahan sa rehiyon para sa natitirang eligible population at para matiyak ang proteksyon ng mamamayan lalo na sa banta ng Omicron variant.
Moira Encina