Aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, patuloy na bumababa
Umaabot na lamang sa mahigit 100 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON sa unang araw ng Nobyembre.
Sa tala ng DOH CALABARZON, kabuuang 174 ang bagong nagpositibo sa virus habang 505 ang bagong gumaling mula sa sakit.
Dahil dito, nasa 11,810 na lamang ang aktibong kaso ng COVID sa rehiyon nitong Nobyembre 1 mula sa mahigit 41,400 active cases noong Oktubre 1.
Sa kabuuan ay 384,399 ang kumpirmadong nahawan ng virus sa Region IV-A mula noong nakaraang taon kung saan nakarekober ang halos 361,000 pasyente at pumanaw naman ang nasa 11,600.
Hinihimok pa rin ng DOH CALABARZON ang publiko na sundin ang minimum health protocols at magpabakuna na bilang dagdag na proteksyon laban sa COVID.
Moira Encina