Aktibong kaso ng COVID-19 sa DOJ, nadagdagan pa
Wala pa man dalawang linggo sa panibagong taon ay umakyat na sa 59 ang kumpirmado at aktibong kaso ng COVID-19 sa DOJ main office sa Maynila.
Batay ito sa pinakahuling datos ng kagawaran noong Enero 12.
Sa kabuuan ay 171 kawani at opisyal sa punong tanggapan ng DOJ ang nagpositibo sa virus mula noong 2020.
Mula sa nasabing, 94 ang naitalang nahawahan noong 2021, 59 ngayong 2022 at 18 noong 2020.
Samantala, umaabot naman sa 131 ang kasalukuyang aktibong kaso ng sakit sa kagawaran kung isasama ang lahat ng DOJ offices sa iba’t ibang rehiyon.
Pinakamarami ay mula sa DOJ NCR offices na 60 active cases.
Moira Encina
Please follow and like us: