Aktibong kaso ng COVID-19 sa Laguna, mahigit 500 na lamang
Aabot na lamang sa mahigit 500 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Laguna.
Sa pinakahuling datos ng Laguna Provincial Health Office, kabuuang 512 COVID patients na lang ang nagpapagaling sa lalawigan.
Nakarekober na mula sa sakit ang 17,838 na nahawahan ng COVID habang pumanaw ang 448 pasyente.
Mababa na rin sa 100 ang active cases sa mga bayan at lungsod sa Laguna.
Ang Calamba City ang may pinakaraming aktibong kaso na 83, sumunod ang San Pablo City na 62, at pangatlo ang Santa Rosa City na 52.
Moira Encina
Please follow and like us: