Aktibong kaso ng Covid-19 sa Zamboanga city, bumababa na
Bumababa na ang mga active cases ng Covid-19 sa Zamboanga city.
Sa pinakahuling Covid-19 Data Tracker hanggang June 6, 2021, naitala sa kabuuang 10,541 ang mga kaso ng Covid-19 sa lungsod.
Mula sa nasabing bilang, nasa 1,324 ang aktibong kaso.
Umakyat rin sa 8,775 ang nakakarekober sa karamdaman at nsa 442 ang mga namatay.
Naitalang may pinakamataas na kaso sa lungsod ay ang Barangay Sta. Maria na may 102 kaso, Pasonanca-82, Calarian-69, Putik-69, Canelar-66, Tumaga-63, Mercedes-56,Tugbungan (53), San Jose Gusu (52), Tetuan (43), San Jose Cawa-cawa (41), San Roque (38), Cabatangan (37), Sta. Catalina (37), Ayala (36), Guiwan (35), Baliwasan (32), Divisoria (29), Cabaluay (21) at Talon-talon (21).
Ayon kay City Health Officer Dr. Dulce Miravite, naitala sa 2,500 ang active cases sa lungsod pero makalipas ang dalawang linggo ay kapansin-pansin ang pagbaba nito sa 1,324.
Ang lungsod ay nananatiling nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Samantala, 21 indibidwal ang nahuling lumabag sa MECQ guidelines kahapon kasunod ng pagpapatupad ng Sunday lockdown sa lungsod.
Patuloy ang pagpapatupad ng City Government ng roving activities sa pangunguna ng Barangay Sita Task Force.