Aktibong kaso ng COVID sa San Juan City, mahigit 30 na lamang
Kabuuang 33 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa San Juan City.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ito na ang pinakamababang bilang ng active case sa San Juan mula noong June 27 na mayroong 41 aktibong kaso ng virus.
Mas mababa na rin ito sa bilang ng kaso noong March 20 kung saan mayroong 36 na aktibong COVID case ang lungsod.
Umaabot na sa kabuuang 3,035 ang bilang ng mga nakarekober na COVID patients sa San Juan.
Tiwala ang San Juan City Government na makakamit nila ang zero active case sa Disyembre kung susunding mahigpit ng mga residente ang mga ordinansa sa lungsod at mga precautionary measures na ipinapatupad ng IATF para maiwasan ang pagkalat ng COVID.
Moira encina