Aktor na si Sandro Muhlach naghain ng mga reklamo sa DOJ kaugnay sa sinasabing panghahalay sa kaniya

Pormal nang nagsampa ng mga reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang kampo ng aktor na si Sandro Muhlach, kaugnay sa sinasabing panghahalay sa kaniya.

Kasama ni Sandro na naghain ng reklamo ang kaniyang ama na si Niño Muhlach at mga opisyal mula sa NBI na tumatayong public complainant.

Ayon sa abogado ni Sandro na si Atty. Czarina Raz, mga reklamong rape through sexual assault at multiple acts of lasciviousness ang inihain nila laban sa dalawang television contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz.

Humarap din sa DOJ ang mga testigo ng complainant para panumpaan ang salaysay nila.

Kumpiyansa ang kampo ng mga Muhlach na malakas ang mga ebidensya nila laban sa mga respondent.

Tiwala rin ang batang aktor na lalabas ang katotohanan sa pangyayari.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *