Aktor na si Tom Hanks, nagbabala sa ad na may AI imposter
Nagbabala sa fans ang aktor na si Tom Hanks at ang CBS talk show co-host na si Gayle King, tungkol sa mga ad na kinatatampukan ng mga impostor na nabuo sa pamamagitan ng artificial intelligence (AI).
Sa kaniyang Instagram post na nagpapakita ng kopya ng isang hindi awtorisadong digital version niya ay nagbabala si Hanks, “Beware. There is a video out there promoting some dental plan with an AI version of me. I have nothing to do with it.”
Ang naturang mensahe ay nakatanggap ng mahigit sa 111,700 “likes” simula nang i-post iyon ng Academy Award winning actor sa kaniyang Instagram na mayroon nang 9.5 million followers.
Nagpost naman si King na isang co-host sa CBS Mornings talk show, ng aniya ay isang bogus video clip niya na humihikayat sa mga manonood na i-click ang isang link upang malaman ang “sikreto” ng kaniyang weight loss.
Sinabi ni King sa kaniyang Instagram post, “I have nothing to do with this company. I’ve never heard of this product or used it! Please don’t be fooled by these AI videos.”
Ang mga pananggalang laban sa artificial intelligence na ginagamit upang kopyahin ang talento sa screen, ay kabilang sa mga isyung pinagtalunan sa panahon ng welga ng mga manunulat na nagparalisa sa Hollywood hanggang sa isang kamakailan ay pansamantalang kasunduan.
Ang nagpapatuloy namang welga ng Hollywood actors ay hindi pa nareresolba.
Sumikat ang generative AI programs sa huling bahagi ng nakaraang taon, kasama ang ChatGPT na nagpapakita ng kakayahang bumuo ng mga sanaysay, tula at usapan mula sa “briefest prompts.”
Ang mga modelo ng AI ay nagdagdag ng mga kakayahan tulad ng kakayahang makabuo ng digital imagery “on command,” na nagpataas sa pangamba na magamit ang teknolohiya upang lumikha ng “deep fake” pictures at videos na lilinlang sa mga tao upang isipin na ang mga ito ay totoo.
Ang mga tech titans na Google, Meta at Microsoft ay kabilang sa mga nakikipagkarera upang mapakinabangan ang pangako ng generative AI habang sinusubukang iwasan ang mga panganib tulad ng potensyal ng teknolohiya na maging isang sandata para sa maling impormasyon at cyber crime.