Akusasyon ni Senador Antonio Trillanes na papunta na sa Revolutionary government ang mga ginagawa ni Pangulong Duterte kinontra ng Malakanyang

Walang basehan ang akusasyon ni Senador Antonio Trillanes na papunta na sa Revolutionary government ang bansa sa mga ginagawang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na ang nagdedeklara ng Revolutionary government ay ang lider na walang Constitutional mandate.

Ayon kay Roque si Pangulong Duterte ay inihalal ng sambayanang pilipino sa isang halalan kaya taglay niya ang Constitutional mandate.

Inakusahan ni Trillanes si Pangulong Duterte na planado ang kanyang mga hakbang para makapagdeklara ng revolutionary government kasama dito ang umanoy pagpapatalsik sa oposisyon.

Batay sa mga report pulitika umano ang nasa likod ng hakbang ng pangulo na ipawalang bisa ang amnesty ni Senador Trillanes.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *