Alcaraz, bumuwelta para talunin si Berrettini at makaabot sa Wimbledon quarterfinals
Dinaig ni Carlos Alcaraz si Matteo Berrettini sa apat na sets para makarating sa Wimbledon quarter-finals sa unang pagkakataon.
Si Berrettini, na isang finalist noong 2021, ay nagwagi sa first set ngunit bumawi ang top seed para manalo sa Centre Court match-up sa score na 3-6, 6-3, 6-3, 6-3.
Ang top-ranked na si Alcaraz ay nakikitang isa sa iilang tunay na banta sa defending champion na si Novak Djokovic, na wala pang ipinatalong match sa Centre Court sa loob ng sampung taon.
Kaunti lamang ang karanasan ni Alcaraz sa grass court sa maikli niyang career, ngunit noong isang buwan ay nanalo siya sa torneo sa Queen upang magkaroon ng pagkakataon para sa Wimbledon title.
Ayon sa US Open champion na nakaabot sa fouth round ng All England Club noong nakalipas na taon, “I really wanted to play the quarter-final here, coming this year with that goal. It’s my dream to play a final here, to win this title one day, so I hope to reach that dream this year but right now it’s great to be in the quarter-finals.”