Alcaraz dinaig ni Zverev; Medvedev wagi sa Finals ng Russian derby
Nakabawi si Alexander Zverev matapos matalo sa isang set upang daigin si Carlos Alcaraz sa score na 6-7 (3/7), 6-3, 6-4 sa ATP Finals, habang napanalunan naman ni Daniil Medvedev ang isang Russian derby laban kay Andrey Rublev sa straight sets 6-4, 6-2.
Nagpakita ng ‘powerful display’ ang two-time winner na si Zverev ng Germany sa year-ending tournament, upang daigin ang world number two na si Alcaraz na hindi maganda ang kondisyon matapos magbalik galing sa dinanas na injury sa katapusan ng nakaraang buwan.
Si Zverev ay mahirap na kalaban sa hard courts gaya sa Pala Alpitour sa Turin at ginamit ng gusto ang kaniyang taas at lakas sa Red Group clash upang talunin si Alcaraz.
Nagpakawala ang 26-anyos ng 16 na aces, at isang beses lamang itong na-break ni Alcaraz at kakaunti lamang din ang nagawa niyang ‘unforced errors.’
Ayon kay Zverev, “In the beginning of this year, I was nowhere near at his level. I’m just happy to be back at the level where I’m competitive with those guys, where I feel like I can win, I feel like I can compete for tournaments again.”
Nahirapan naman ang Wimbledon champion na si Alcaraz dahil sa kaniyang lower back at left foot problems, na naging sanhi upang hindi siya makapaglaro simula sa Shanghai Masters noong Oktubre hanggang sa Paris Masters.
Maaga siyang pinatalsik sa French capital ng Russian qualifier na si Roman Safiullin.
Gayunman, iginiit ni Alcaraz na hindi siya nahirapang bumalik sa dati niyang porma.
Aniya, “I’m one of the players who has played most matches on tour… I feel good physically. I don’t think I need more matches (to be in top condition).”
Samantala, ang susunod na makakalaban ni Zverev na si Medvedev ay umabante na sa Red Group sa pamamagitan ng isang ‘straightforward win’ laban sa kaniyang childhood friend na si Rublev.
Ang third seed na si Medvedev, na mayroon nang limang titles sa kaniyang pangalan ngayong season, at nanalo na ng pito sa kaniyang siyam na laban kay Rublev at kailangan na lamang ng isang oras at 31-minuto upang manatili.
Nagkaroon din naman si Rublev ng magandang season at napanalunan ang Monte Carlo Masters ngayong season, pero nahirapan nang umabante.
At nawala na ito sa wisyo nang matalo sa first set, na nagbigay-daan upang makuha ni Medvedev ang tagumpay.