Alcaraz, out na sa first round ng ATP Rio Open dahil sa ankle injury
Nagretiro na sa kaniyang first-round match sa ATP Rio Open ang world number two na si Carlos Alcaraz, makaraang magkaroon ng injury sa second point ng kaniyang laro laban kay Thiago Monteiro.
Tumawag ang Spanish star ng isang medical timeout, pinalagyan ng tape ang kaniyang sakong at nanalo sa first game, ngunit umayaw na sa second game.
Ilang sandali pagkatapos ng match ay sinabi ni Alcaraz sa mga mamamahayag na ang kaniyang desisyon na mag-withdraw ay isang “precaution,” at ayon aniya sa physiotherapists na tumingin sa kaniya, hindi naman seryoso ang kaniyang injury.
Sinabi niya, “I spoke with the physiotherapist on the court and we decided, together, that I would continue to see if it improved. It didn’t, so we preferred to be careful and withdraw as a precaution.”
Naging mahirap ang pagsisimula ng 2024 para sa two-time Grand Slam winner, kabilang ang pagkatalo niya laban kay Alexander Zverev sa Australian Open quarterfinals.
Noong Sabado ay tinalo rin siya ng ranked No. 21 na si Nicolas Jarry ng Chile sa semifinals sa Buenos Aires, at wala pa siyang napapanalunang ATP title simula nang talunin niya si Novak Djokovic sa Wimbledon noong July.
Agad na naglaho ang pag-asa na magiging maganda ang takbo ng mga bagay para sa kaniya sa Rio, kung saan natapos siya bilang runner-up kay Cameron Norrie ng Britain noong isang taon, at nagwagi naman noong 2022.
Apat sa tennis matches ang ipinagpaliban hanggang Miyerkoles dahil sa pag-ulan sa clay court ng Jockey Club Brasileiro, at ang dalawang unang players na naglaro nitong Martes ay naglaban sa ilalim ng makulimlim na panahon.
Bahagya nang umaliwalas ang panahon nang oras na para kina Alcaraz at Monteiro na maglaro, kaya’t sinabi niya na hindi ang lagay ng tennis court ang dapat sisihin sa kaniyang injury.
Aniya, “Those things happen, even more so on clay. It wasn’t a problem with the court, I got hurt in a change of direction and that happens on this type of surface.”
Ayon naman sa 29-anyos na si Monteiro, “It’s really sad to win in this way, because I know how hard every player works to be ready for a tournament of this magnitude. I just wish him a speedy recovery, that it’s nothing serious or that it won’t affect his season.”
Si Alcaraz ay tinalo rin ni Monteiro sa round of 16 sa Melbourne-1 noong 2021.