Aldridge, balik na sa Brooklyn Nets
Muling lumagda sa Brooklyn Nets ang seven-time All-Star player na si LaMarcus Alridge, para sa limang buwang kontrata, matapos magretiro sa NBA.
Noong Abril ay inanunsiyo ni Aldridge na tatapusin na niya ang 15-taong NBA career, makaraang makaranas ng “irregular heartbeat in multiple games.”
Para kay Aldridge, ang isa sa mga pagkakataon na nangyari iyon, ay isa sa pinaka nakatatakot na bagay na kaniyang naranasan.
Ang 36 anyos na 2nd overall selection sa 2009 NBA draft, ay may average na 19.4 points at 8.2 rebounds.
Naglaro siya para sa Portland, San Antonio at Brooklyn kung saan lumagda siya ng kontrata noong Marso.
Sa kaniyang limang laro kasama ang Brooklyn sa nakaraang season, si Aldridge ay nag-average ng 12.8 points sa 52.1 percent shooting mula sa field, 4.8 rebounds, 2.6 assists at 2.2 blocks.
Sa report ng isang sports network, “cleared” na si Aldridge batay na rin sa maraming doktor na sumuri sa kaniya, kabilang na ang independent at Nets-affiliated physicians para muling bumalik sa kaniyang career.