Alert Level 2,nananatili sa Israel-DFA
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang dating deklarasyon nito ng Alert Level 2 sa Israel ay nananatili sa harap ng panibagong tensyon bunsod ng missile attack ng Iran sa Israel.
Sa ilalim nito, ipinagbabawal ang bagong deployment ng OFWs sa Israel.
Patuloy ding hinihimok ng Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv na ipagpaliban ng mga Pilipino ang mga non-essential na biyahe sa Israel hanggang sa mag-stabilize ang sitwasyon.
Kung kinakailangan talaga na magbiyahe sa Israel, pinapayuhan ang mga Pinoy na mag-ingat.
Inabisuhan naman ang mga Pinoy sa Israel na makipag-ugnayan sa kanilang community leaders at sa mga embahada at konsulado ng Pilipinas.
Moira Encina