Alert level 4, itinaas na sa Bulkang Mayon….mapanganib na pagsabog, posible sa mga susunod na araw o oras- Phivolcs

Itinaas na sa Alert Level 4 ang kalagayan ng Bulkang Mayon matapos maobserbahan ang kulut-kulot na abo o ash column na umabot ng 3 kilometro.

Ayon kay Philippine Volcanology and Seismology o Phivolcs Director Renato Solidum, nangangahulugan ito ng intense unrest o imminent at hazardous o mapanganib na pagsabog.

Nakikita rin umano ang papataas na energy ng volcanic tremors sa bulkan at pinangangambahan ang pagputok nito sa anumang araw.

Samantala, zero visibility na ang ilang daan sa Guinobatan dahil sa maitim na abong nakapalibot sa area.

Patungo sa timog-kanluran ang direksyon ng abo na mula moderate to heavy ang bagsak na apektado ang mga bayan ng Camalig, Guinobatan, lungsod ng Ligao, bayan ng Oas at ang bayan ng Polangui.

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *