Alert level itinaas sa Mount Kanlaon makaraan ang ‘explosive eruption’
Itinaas na ang antas ng alerto para sa Mount Kanlaon, makaraan na ang isang “explosive eruption” nito ay magdulot ng pagbuga ng bulkan ng ash plume, gas at mga bato na limang kilometro o tatlong milya ang taas sa himpapawid.
Ang Mount Kanlaon sa gitnang isla ng Negros ay sumabog sa loob ng anim na minuto bago mag-7:00 pm (1100 GMT), na nag-udyok sa mga babala para sa mga kalapit na residente na magsuot ng facemask dahil sa banta ng volcanic gases at pag-ulan ng abo.
Kuwento ng 35-anyos na si Ethan Asentista-Khoo, na ang bahay sa Pula village ay may anim na kilometro ang layo mula sa bulkan, “Nang sumabog ang bulkan ay nakarinig kami ng tunog na parang kulog. May parang apoy sa bunganga nito na tumagal ng humigit-kumulang isa hanggang dalawang minuto. Wala kaming nakita lava o bato na lumabas.”
Ang Kanlaon ay isa sa 24 na aktibong mga bulkan sa Pilipinas.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), “An explosive eruption… produced a voluminous and incandescent plume that rapidly rose to 5,000 metres above the vent.”
Itinaas ng ahensiya ang antas ng alerto sa dalawa mula sa isa, sa scale ng 0-5.
May naobserbahan din ang ahensiya na “probable short” avalanches ng volcanic ash, rock at gases, na kilala bilang pyroclastic density currents, sa mga dalisdis ng Kanlaon.
Sinabi ni Joe Alingasa, isang rescue official sa San Carlos municipality, na plano nilang ilikas ang nasa 500 pamilya mula sa mga bahay na pinakamalapit sa bulkan, sa pinakamadaling panahon.
Aniya, “We have deployed a team for the initial evacuation of our residents.. We also took face masks because the residents reported a strong smell of sulphur in the area.”
This handout photo courtesy of Dollet Demaflies shows Mount Kanlaon volcano spewing a large plume of ash during an eruption as seen from La Castellana town, Negros occidental province, central Philippines on June 3, 2024. The alert level for a Philippine volcano was raised on June 3 after an “explosive eruption” sent a plume of ash, gas and steam five kilometres (three miles) into the sky, the volcanology agency said. (Photo by Handout / Courtesy of Dollet Demaflies / AFP)
Pinayuhan din ng PHIVOLCS ang mga piloto na iwasang lumipad malapit sa tuktok ng bulkan, dahil maaaring maging mapanganib sa alinmang sasakyang panghimpapawid ang abong magmumula sa biglaang pagputok nito.
Maaaring nakamamatay ang mga pagsabog, na may mga daloy ng pyroclastic at lahar gayundin ang mga ashfall na nagdudulot ng mga panganib sa mga komunidad na nakapalibot sa bulkan.
Ang mga pyroclastic flow ay isang nakapapasong pinaghalong mga bato at abo na mabilis na dumadaloy pababa sa mga dalisdis ng bulkan, na sumusunog sa lahat ng maraanan nito.
Ang mga Lahar naman ay napakalaking daloy ng volcanic debris ng bulkan na naipon sa mga dalisdis, na lumalabas kapag malakas ang ulan. Maaari nitong ilibing ang mga nayon.
Kaya namang sirain ng heavy ashfalls ang bubungan ng mga bahay, at maging sanhi upang madiskaril ang pag-andar ng jet engines.
Ang pinakamalakas na pagsabog ng bulkan sa Pilipinas ay nangyari noong 1991 nang sumabog ang Pinatubo, may 100 kilometro mula sa Maynila, na ikinamatay ng mahigit sa 800 katao.