Alex Eala pasok na sa singles quarters sa Porto
Pasok na sa quarterfinal round ng International Tennis Federation (ITF) W75 Porto sa Portugal ang Pinay tennis ace na si Alex Eala, makaraang dominahin ang laban nila ng Ukrainian na si Katarina Zavatska sa score na 6-0, 6-3.
Naging masigasig ang naging laro ng 18-anyos na si Eala mula sa simula hanggang sa pagtatapos ng dalawang linggo, mula nang mangyari ang maaga niyang pag-exit sa Abu Dhabi open.
Sa kabila ng pagsisikap ni Zavatska na pumabor sa kaniya ang pagkakataon, namalaging dominante si Eala at hindi binigyan ng pagkakataon ang kalaban.
Sa opening round ay nagwagi rin ang world No. 188 na si Eala sa score na 6-4, 6-2, laban sa 26-anyos na beteranang si Raluca Georgiana Serban ng Cyprus.
Wala nang pahinga para kay Eala, dahil nakatakda siyang agad na lumaban sa quarterfinals ng singles events laban sa Italian na si Anna Bondár, ngayong Biyernes sa ganap na alas-8:30 ng gabi.
Samantala, hindi naman nagkapalad si Eala at ang kaniyang partner na si Ali Collins ng Britanya na makapasok sa quarterfinals ng doubles event, makaraan silang talunin ng pares nina Alicia Barnett ng Germany at Anna-Lena Friedsam ng Britanya sa score na 3-6, 4-6.