Alice Guo , babalik na sa bansa
Kumpirmado nang babalik ng bansa ang napatalsik na alkalde ng Bamban Tarlac na si Alice Guo matapos maaresto sa Indonesia.
Sa impormasyon ni Senador Raffy Tulfo, darating si Alice Guo o Guo Hua Ping mamayang 6:18 pm sakay ng chartered flight RP C6188.
Ipinoproseso na aniya ng Immigration sa Indonesia ang mga papeles nito bago umalis doon.
Kasama aniya sa flight sina DILG Secretary Benhur Abalos at PNP Chief General Rommel Marbil.
Sa isang panayam sa kaniyang abugado na si Atty Stephen David, sinabi nitong wala pa silang komunikasyon ni Alice mula nang maaresto ito kahapon ng madaling araw .
Huli niya raw nakausap si Alice noong August 22 kung saan pinagsabihan niya ito na sumuko na dahil hindi niya naman maaring takasan ang batas.
Pero imposible aniya ang mga mungkahing maging state witness si Alice Guo para ikanta ang mga nasa likod ng illegal POGO operations at money laundering activities sa bansa.
Iginiit ni David na nasabi na ng kaniyang kliyente ang lahat ng kaniyang nalalaman.
Samantala, kinumpirma ni David na nais nang sumuko ng isa sa kapatid ni Alice na si Wesley.
Nakausap niya raw kagabi si Wesley at kinumpirmang nakikipag-ugnayan na ito sa mga awtoridad para sa kaniyang posibleng pagsuko pero hindi niya alam ang eksaktong kinaroroonan nito.
Si Wesley at isa sa walong personalidad na inisyuhan ng warrant of arrest ng Senado dahil sa pang-iisnab sa mga imbestigasyon.
Meanne Corvera