Alice Guo, Cassandra Li Ong at Atty. Harry Roque, ipatatawag bukas ng QUADCOM sa kamara
Sesentro sa operasyon ng illegal POGO hubs ang ika-anim na pagdinig bukas, Huwebes ng Quad Committee o QUADCOM ng kamara.
Ito ang inihayag ni Surigao del Norte Congressman Robert Ace Barbers, ang overall chairman ng QUADCOM.
Sinabi ni Barbers na inimbitahan ng QUADCOM sina explelled Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, Cassandra Li Ong at dating Presidential spokesman Atty. Harry Roque.
Aniya, sumulat na ang QUADCOM sa Valenzuela Regional Trial Court Branch 282 upang hilingin ang pahintuloy ng korte na padaluhin si Guo sa hearing ng kamara.
Si Ong naman ay nasa kustodiya ng kamara at nakakulong sa detention facility ng House of Representative.
Photo: courtesy of Atty. Harry Roque FB
Inihayag ng opisyal na patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad si Roque, matapos na patawan ng panibagong contempt order dahil sa pagkabigong isumite ang mga hinihinging dokumento upang patunayang wala siyang kinalaman sa illegal POGO hubs sa Pampanga.
Nilinaw ng QUADCOM na nananatili ang kanilang imbitasyonkay dating pangulong Rodrigo Duterte na humarap sa kamara, para ipaliwanag ang pagkakasangkot ng kaniyang pangalan sa isyu ng POGO at extra judicial killings.
Vic Somintac